Friday, December 24, 2010

Pasko 2010


it was full of fun (you can clearly interpret by just looking at our pictures above)! i think the best so far we've had.
it was indeed a "Maligayang Pasko" celebration.
nagsimula sa simpleng plano, na akala mo ay hindi matutuloy. everybody was enthusiastic at first pero natahimik as the day of celebration gets nearer. thanks to dante for keeping eveybody holding on to our commitment na ituloy ang simple celebration ng Pasko as most of the Adiks are away sa aming loved ones kaya this gathering will definitely ease the "pain" of spending this normally a celebration with people dear to us.



"Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka..."



and then dumating ang araw na iyon everyone was made sure na ang bawat contribution sa food and preparations ay ready na. days before that, nagkaroon ng bunutan for "monito-monita". so gifts at the table in front of the "stage" were overflowing, kasama na ang para sa kids. yeah, may mga kids because this is definitely for them! kaya the respective families were invited. and this party was made sure na matuloy because of our friends (Ren, Marc  and Ricky) na kasama ang mga respective families nila. syempre para na rin sa bonding namin with them. kulang lang kami ng isa, si Bien...Siya ay masayang kasama ang kanyang pamilya sa Pilipinas. he could have added to the laughter kung kasama rin namin sya. pero mas masaya sya now. hehehe





"Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko..."


Chris Venter
what made the night more special was the presence of the Adiks' "adopted" friend, Chris Venter. he graced our gathering to celebate with us.
the party started with a prayer from ricky, a prayer of thanksgiving to the Lord for everything we are so blessed with looking back at year 2010....lalo pa at may announcement of a generous gift from our company earlier that afternoon! (confidential daw kung "ano" at "gaano" heheheh). then there were special numbers which we want everyone to be represented lalo na ang mga families. kaya aligaga to find a song to sing sa WOW karaoke courtesy of Matt.


Capturing the moments
then there were games from gamemaster Ricky! mawawala ba ang all time favorite - Pinoyyyyyy Henyo!? what made it funnier ay ang mask na dapat gamitin para holder ng pahuhulaan na salita. Marc needed to explain to Chris bakit kami naghahagalpakan sa tawa! nosebleed nga raw si marc! hehehe. "kalabaw", "karayom", "kambing", "fried rice", "bubble gum" were just among the words to guess by the partners. ang hirap huh! the game was eventually won by irwin and ka romy, unbeatable with a time of 1:14 mins.
 


then it was followed by our favorite na "lafangan naaaa!!!". thanks to tserman raoul who set the buffet table na parang pina "cater". everyone brought food for everybody na pagsalu saluhan. panalo lahat, walang itulak kabigin! hehehe, lahat masarap!


Buffalo wings!
there was another game which brought the house down! gulong kami sa katatawa. two teams were to compete with a stocking on our head with ball at the end of it para itumba ang series of water bottles...relay kumbaga. ang hirap huh! hagalpakan sa tawa when it was the turn of two "biggies" in each group, raoul and chris venter (it was really nice seeing him na game na game sa mga kalokohan namin! pero mas loko pala sya dahil sya ang pinakamadaya! sipain b nman ang lahat ng water bottle when he realized it was difficult to do it without cheating!) pero in the end, kahit na walang prize for the winning team, hindi kami makahinga s katatawa! another highlight!

i volunteered to render a song number beforehand as part of the proram pero at the back of mind, i want to do something more special than that kasi d naman ako magaling kumanta. so when i was called to sing, i actually did start singing ...pero little din they know that i will just be singing on the background kasi i was to show a special video i prepared about our group! "lights off! lights off!" daw ang sigaw nila....and so we did. di ko naisip yun pero it added impact of that video to us (yeah, including me). everybody was shouting on every photo shown on the video. better check the video http://www.facebook.com/video/video.php?v=1751288424855 it is my gift to everyone for the gift of friendship i share with them. thanks guys!

and then came the announcement of monito-monita. each one has to explain bakit yun ang napili nyang gift for his monito. i will no longer enumerate ang bawat gift ccoz some are for adults only! hahahha. but it was definitely a shining moment of the night as it shows gaano namin kakilala ang bawat isa. isipin mo ba naman kung ano ang gift para kay shiela (ren's wife) or pops (marc's) or weng (ricky's) . lalo siguro dumugo ang utak ng nakabunot kay tserman raoul! hehehehe. poor ricky. what caused the laughter is before buksan ang gift ay kanya kanyang hula kung ano ang laman, coming out with crazy ideas! hahaaha. at ang nakakatawa rin, alam ni tserman rAoul kung saan ito nabili! hehehehe.




"sana ngayong pasko...."

our wish...alam ko sa puso ng bawat isa ay may hiling para sa Paskong ito...Dante gave his wishes for everyone of us in a poetry form...



di man namin kasama ang kanya kanya naming pamilya, this celebration definitely filled up the emptiness we feel for not being with our families to celebrate during the noche buena.


...it may be celebrating it again together in the years to come, or maybe pailan ilan na lang ang maiiwan sa Tasnee sa susunod. pero the night of 22 December 2010 was filled with laughter and happiness away from home because we made it special, we joined together, we gave importance to our bond as friends and as a family here in Jubail.


to all of you....thank you... tenchu!
maligayang pasko....




dalangin ko ang pagpapala para sa bawat isa at sa mga importanteng tao sa buhay natin. ang panahon na ito ay hindi para sa kung ano mang mailalagay sa ating mga kamay or anumang iniisip natin na makakapagpasaya sa atin. mas importante ang kung ano ang tunay na ligaya at kapayapaan na dala ng kapaskuhan....ang laman ng ating puso....
Maligayang Pasko!


Note: Thanks to Matt and Irwin for some the photos used here.

Tuesday, November 23, 2010

Happy Birthday Matt!

Isa sa mga “pioneer” friends namin sa aming trabaho si Matt, ang look-a-like (daw! hehehe) ni Vince Vaughn.


Sa aming grupo na tinawag na “Addiks”, isa siya sa mga kasama na namin noon pa mang 2002 sa isang contracting company na nag susupply ng manpower sa companies dito sa Saudi Arabia, ang Hadi Al Najrani Establishment (HNE), ngayon ay mas kilala na SISCO (di ko na alam ang buong pangalan). Hanggang sa isa-isa na kaming “sinulot” at maging direct-hired employees ng Tasnee.

Magkasama kami sa iisang department pero pag oras ng trabaho, trabaho lang kami (unless nakaharap sa computer namin at busy kami sa chatting ng grupo sa aming Outlook hehehe). Bihira ko makitang magalit, pero madalas naiinis sa mga makukulit na customer ng aming department. Ang akala ko, ako ang mabilis mag init ang ulo sa mga makukulit na ito, iyon pala ay siya rin. minsan ko na na-feel ang ma-guilty dahil feeling ko nahawa sya sa akin! Hehehee…

Simpleng tao lang si Matt.
Sa haba ng panahon na magkakasama kami, kilala na namin ang bawat isa sa grupo, through the years ay naging intact ang grupo kahit pa sabihin mong may mga nagpenetrate pero kalaunan ay na-evict din…hehehe. Tinanggal na sa Tribal Council! Kami na ang final members ng “Adikks”, at walang jury na kailangan humusga sa amin…walang ala-alliance. Iisa lang kasi ang alliance namin…

At sa araw na ito, isa sa mga kaibigan namin ang inaaalala ang araw ng kapanganakan.

Isang simpleng pagbati sa iyong kaarawan. At nagwi-wish na sana’y makamit mo ang mga hiling ng puso mo para sa iyong pamilya, sa mga mahal sa buhay at para sa iyong sarili. Sa kasabihang “nobody is perfect”, tandaan mo na sa mga pagkakamali natin makikita ang ating kahinaan para maging kalakasan at maging instrumento para maging mas mabuting nilalang (sounds familiar!).
Maligayang birthday muli sa iyo….


Saturday, November 20, 2010

Test lang...Mail2Blogger

How do I love thee? Let me count the ways…


Edgar Reyes
Edgar Reyes
ادغار ريس