“Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan”
May 11, 2008…Mother’s Day
Araw daw ng mga nanay ngayon…
Hindi ko alam kailan pa ito sinimulang alalahanin at ipagdiwang bilang pagbibigay pugay sa mga ina ng tahanan….
Pero sa tingin ko, mahalaga ang araw na ito…at ang bawat araw ng buong taon sa pag alala at pagdakila sa ating Nanay…
Aaahhhhh!....I don’t want to sound melodramatic….corny yata? baduy?...ewan ko! Hindi naman kasi ako lumaking showy sa aking feelings, lalo na sa aking mga magulang.
Grade 4 ako, marunong na akong lumuwas ng Maynila from Laguna. Kailangan ko kasing dalhin ang mga kailangan ng nanay ko sa kanyang pagbabantay sa aming bunsong kapatid na buwan-buwan ay nasa hospital sa Manila. Sasakay ako ng bus sa Laguna, then sa jeep papuntang Laong Laan St sa Dapitan.
Sisitahin ako ng security guard ng hospital at tatanungin kung ilang taon na ako (bawal kasi ang bata sa hospital below 12 years old)…at dahil 10 years old pa lang ako, alam kong hindi ako papasukin. “Paano ang mga gamit na kailangan ng nanay ko?” Sasabihin ko ay “12 na po”….”Kailangan ka ipinanganak?”….”February 21 [sabay compute sa isip ng ‘1980 minus 12’]….1968 po!”…”Sige pasok na!....” sabi ng guard.
Ilan lang ito sa maraming pagkakataon na naging katuwang ako ng nanay ko….naging kanang kamay sa maraming bagay…siguro dahil nakita nya na ako ang kaniyang maasahan sa aming magkakapatid.
“Bomba!!!!”….ang madalas ko isinisigaw tuwing Sabado noong Grade 6 ako hanggang 4th year high school. Hudyat iyon na kailangan na ng isa sa mga kapatid ko na magbomba sa poso para sa pagbabanlaw ko ng damit naming na aking nilalabhan…kailangan kong tulungan ang nanay sa paglalaba ng aming mga damit dahil sya naman ay nagtatrabaho.
Alas singko ng madaling araw….oras na ng paggising….kailangan ko na bumangon dahil mamalengke para sa lulutuin ng nanay ko para sa kanyang paninda. Kailangan sya tulungan para maagang maluto ang mga pagkain na ibebenta sa iskwela.
“Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan”
Hindi naman laging masaya ang aming relasyon bilang mag ina. Natuto akong lumaban sa matanda, masampal sa pisngi dahil sa pagsagot nang pabalang. Natuto rin akong lumayas ng bahay ng isang araw pero bumalik rin…minsan may mga reklamo sa buhay pero hindi rin itinanim sa puso kasi no big deal. Minsan nakakainis kasi nakakarindi, maingay.
Lumipas na ang maraming taon…lumaki na ako, nagtapos ng pag aaral, nakapagtrabaho, nangibang bayan, nangibang bansa. Kung aking aaalahanin, natuto ako sa maraming bagay, kasama ang aking nanay.
At sa paglipas rin ng maraming taon, nakita ko ang maraming pagbabago sa kanya. May mga nakakainis pa rin, pero mas marami ang para sa mas maganda.
Ngayon sya ay 67 years old na, at habang tinititigan ko ang mga litrato nya, marami na ring nagbago. Mas payat sya, kumulubot at lumaylay ang balat, numipis ang buhok, naubos ang ngipin at pinalitan na ng pustiso, lumabo na ang mata, nagsasakitan na ang mga kasu-kasuan….at kung aking iiisipin, hindi siguro ito dahil sa kanyang pagtanda…pero siguro dahil na rin sa maraming sakripisyo na kanyang inialay para sa kanyang walong anak….walong anak na iba-iba ang personalidad, iba-iba ang tinahak na buhay.
Sa kabila rin nito, naroon ang ngiti sa kanyang mga mata, marahil na rin sa kanyang pagmamalaki sa kung paano nya napalaki kaming magkakapatid.
…alam ko na sa bawat gabi na ako’y nasa malayong lugar, ipinagdarasal nya ang aking kaligtasan…alam ko na sa bawat araw na hindi nya ako kasama, hinihinling nyang wag akong magkakasakit...
Alam ko mahina na ang nanay ko…kailan lang ay naoperahan sya sa gall stone…diabetic sya…pero tambay yan sa binguhan!...yaan ko na lang sya mag enjoy.
Actually, gusto lang naman nya matikman ang konting kaginhawahan na pwede kong ibigay sa kanya. Konting kasiyahan na pinagdamot nya sa kanyang sarili para ang kanyang walong anak ang makaranas ng ginhawa at lumaking maayos.
Ngayong araw ng mga nanay, walang espesyal na maihandog para kay “Mamoo” para sa “Mamoo’s day”…kundi ang pagpapaabot ng aking pagmamahal. Walang extraordinary sa aming kwento, pero alam ko na siya ang ibinigay na “Mamoo” sa akin ng Diyos para maging kung sino at ano man ako ngayon…
Sa abot ng aking makakaya, ihahandog ko sa nanay ko ang aking lakas para sya ay maging maligaya sa buhay… at maging proud sa aming mga anak nya. Ang espasyong ito ay hindi sapat sa laki ng respeto at pagmamahal na nararapat kay Mamoo….hindi man ako vocal sa laman ng aking puso at isip…pero….
“Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! Inay”
6 comments:
i think isa sa mga greatest values that we have ay ang pagmamahal sa magulang. di ba one of the ten commandments naman yon. pero mahal natin ang mga magulang natin, specially ang ating mga nanay hindi lang dahil sa inutos yon ng Diyos.
mahal natin sila dahil sa maraming bagay na ginawa nila para maging kung sino man tayo. pagtanaw ng utang na loob sa taong nagbuhos ng pagmamahal sa atin sa buong buhay natin. pagpapa-salamat sa mga sakripisyong ginawa nya. at higit sa lahat, pagpapahalaga sa buhay na na ibinigay nya sa atin.
we can say so many nice things about her. pero isa lang ang kauuwian ng lahat ng yon - wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina. kaya dapat lang na suklian natin ang pagmamahal na yon in whatever way we can.
Ayoko umiyak sa sinulat mo ega pero di mapigil ang pag-gilid ng aking mga luha dahil sa naalala ko rin ang nanay ko wala rin ginawa kundi mapabuti kami magkakapatid, takbuhan ng problema ng bawat isa..
Para sa akin ay di lang tuwing mothers day natin sila napapahalagahan, dapat araw-araw bawat oras ay mahalaga para sa kanila dahil matatanda na sila, ang nanay ko ay 69 years na sya. at puro puti na buhok nya. minsan naiisip ko na paano kung kunin na si Nanay ng Panginoon, iniisip na parang di ko kayang mawalan na ina..
Kaya dapat lang natin sila mahalin ng higit pa sa pagmamahal na binigay nila sa atin..
haayyy Salamat sa mga NANAY...
MAHAL NAMIN KAYO...
...thanks for appreciating the blog
...madalas ay mangingilid ang luha natin kapag nagbabasa tau ng ganito kahit pa kwento ito ng ibang nanay
...kasi nga, it brings back our memories with our own Nanay
...teary-eyed kasi those were good; at one point or another, we were "pasaway"; naluluha kasi alam natin nagkakaedad na sya; naaawa tau dahil alam natin na marami na syang nararamdaman at maraming bagay na hindi na kayang gawin kumpara noong bata pa sya; at natatakot na maaring anumang oras ay umalis sya at iwan tau
...dko masasabing ako'y "Mama's boy" kasi lagi kami nag aaway noon! hehehe. pero our mother-son relatioship built it in away na we appreciate each other's presence in each other's life
...kaya nga sa kanyang pagtanda, alam natin na anumang oras ay pwede syang lumisan, wag na natin aksayahin ang panahon. let us hurdle the 'challenges' that come along with it, and show or express love in stead for her to remember and cherish those with fondness...
thanks for bringing back those memories...tutoong napakaraming sakripisyo ang ginawa ni Mamoo para sa atin at iyon ang mga bagay na di kayang bayaran at pwede lamang suklian ng mabubuting gawa para sa kanya...Kahapon nga ay Mother's Day at sial ay nagpunta sa bahay at dun kami nag salu salo ng lunch.
Wala nang sasarap pa sa pagmamahal na ibinigay sa atin ni Mamoo..in her own way. Salamat! Kuya Ronnie
Napaiyak naman ako sa post mo na to! I am very sensitive when it comes sa mga nanay na storya or posts, mahal na mahal ko kasi ang nanay ko and I'm glad na makabasa ng mga stories na may katulad na pagmamahal ko para sa kanilang mga ina!!!! Mabuhay ka!
LHEY :))
Post a Comment