Wishing you all the best this life could offer....may all the things that can bring you joy be always around you!
Godbless and maythe friendship grow more...
To live content with small means; to seek elegance rather than luxury, and refinement rather than fashion; to be worthy, not respectable, and wealthy, not, rich; to listen to stars and birds, babes and sages, with open heart; to study hard; to think quietly, act frankly, talk gently, await occasions, hurry never; in a word, to let the spiritual, unbidden and unconscious, grow up through the common--this is my symphony. [William Henry Channing]
Tuesday, August 19, 2008
Happy Birthday to a Dear Friend...
Thursday, June 19, 2008
RyanDan - The Face
Traveler of the great divides
Vagrant on a path to life
Everyday feels a little closer
To where it is that you're headed for
Given to a hope of so much more
For every time you fall apart
There'll be a soul to guide your journey
But if you choose to turn away
There in the mirror
You'll see my face
You'll see my face
Think you're on this road alone
Looking for a truth untold
Many times you've been close to breaking
Giving up and letting go
Something inside says it's not over
For every time you fall apart
There'll be a soul to guide your journey
But if you choose to turn away
There in the mirror
You'll see my face
And when the world crowds your space
Remember days when noise was silent
Now empty vows, loveless displays
Just a sense of knowing
You'd see my face
You'd see my face
Sunday, June 15, 2008
Ang Tatay Kong si Ribo....
.....hmmmm....kung may Mother's day, syempre may Father's Day....Papoo's Day!
i want to be honest in saying na i am having difficulty drafting a blog for Father's Day...no offense sa tatay ko, pero i was trying to remember ano nga ba ang mga significant moments in life with him...i was "trying" not because wala or kakaunti, but i guess hindi ko lang sya nakasama that long....but still, i want to dedicate this corner sa isa sa dalawang taong utang ko ang buhay ko ang kung anuman ang mayroon ako.
no, hindi hiwalay ang parents kaya ko nasabi na hindi ko sya nakasama that long. its just that the circumstances were "madamot" for us to spend more quality moments together. my father passed away in january 1999. i was 28 then. he was 66. for 12 years, he was downed by a sickness which half of those years he spent in his bed.
Flashback: Matapang ang tatay...siga ng lugar namin!...kilala sya bilang si "Ribo"...i realized na i never bothered to ask what it means and why he was called such....negro (pero hindi naman ganun kaitim), magaling mag majhong, maabilidad, masarap magluto, alaskador, atbp....those are the descriptions i remember about him...those are the words i usually hear people talk about him.
ako at ang tatay ko ay hindi layo sa isa't isa, pero hindi rin close. mabait sya, pero disciplinarian. mabait sya sa akin, wala akong maalalang masama about him. is it because he was a person na nagmamahal pero hindi showy sa taong mahalaga sa kanya? then it feels good that it is an assurance na mahal ako ng tatay ko.
i was 10 when he left for saudi arabia para humanap ng ibubuhay sa walong anak. responsable dba? i should be thankful for having him na he sacrificed himself to be away sa family to find better opportunities para mabuhay ng maayos ang kaniyang pamilya...i remember kaming magkakapatid take our turns in recording voice messages sa casette tape para ipapadala sa kanya sa saudi. sometimes, we also write letters for him. bata pa ako so hindi ko masyado naiisip ano ba ang halaga nung mga iyon para sa kanya. all i know, ikinukuwento ko sa kanya na honor ako! hehehhee. i hope nakapagdulot iyon ng inspiration sa kanya...that time na his sacrifices are not in vain. although in those times that i have to receive my awards tuwing recogniton day, hindi namin sya kasama. he can only settle sa mga pictures that we have to send to him courtesy of a photographer. i know he wished na siya ang nagsasabit ng medalya sa pagkatali-talino nyang anak! hehehe.
i was 15 when he finally settled back sa pinas. twas a big adjustment to all of us to see him around with us again. for 5 years hindi namin sya kasama...for 5 years ang bahay ay walang "haligi" na physically ay kasama...for 5 years, we were reared solely by other mother. those were the 5 years i was in teenage years...hindi ko sya sinisisi, hindi ako galit sa kanya. nauunawaan ko na ang sitwasyon ang nagdala sa amin sa ganung state of feeling na gone are the years na we were growing up, pero wala sa tabi namin, kundi ang image lamang ng ama...na tanging isang ama lang ang pwedeng gumanap ng ganoong papel. hindi ako pwedeng magreklamo kasi he had his share of sacrifices to be away sa amin...hindi rin naman sya naging masama...hindi sya nambabae....so, SALAMAT PO!...
kung sino man sa aming magkakapatid ang nagmana sa pisikal na hitsura ng tatay ko...sabi nila ako yun - ang hugis ng katawan, ang mga balahibo sa braso at dibdib, ang nakakalbong buhok, etc. so anak mo nga ako! hehehee....
january 10, 1986....nagulantang na lang sa bahay namin to be informed na natumba ang tatay ko while jogging sa isang subdivision. he was rushed sa isang malapit na hospital and we were informed na he suffered stroke...."what??? ano daw??? ano yun???...." yun na lang nasabi ko. sabi nila, kasi malakas daw magyosi tatay ko. d naman sya lasenggo. wala na akong naintindihan kundi nagbara ang ugat nya sa ulo kaya na-paralyze ang kaliwang bahagi ng yang katawan...sad to say, that was a day before my scheduled examination for DOST scholarship kaso i have to give it up kasi taranta na lahat sa bahay namin....i have to "blindly" accept some responsibilities sa bahay that mamoo can no longer do kasi she needs to take care of her better half at this time na kailangan sya nito. ok lang, ganun talaga. we have to help each other sa mga ganitong pagkakataon.
he went through medications, therapy, etc para he could recover...and few years after he was walking on his own pero pipilay pilay and hirap magsalita...pero not after 6 years when he probably gave up the fight. he stayed in his bed and stayed sick. i am not sure but he probably felt he doesnt want to prolong the agaony....and for another 6 years, he was taken care of sa kanyang bed. i should have to recognize and appreciate the hardships that my two brothers went through to take turns in taking care of him. i was in college then sa UP Los Banos and was staying in the dorm at weekends lang umuuwi.
it went same on years after years until in 1999 when he completely gave up...i dunno. was i able to encourage him to continue the fight?...was i able to give him inspiration to continue living because we're there for him?.......dko masagot pero if he says i was not able to do it, sorry po. cguro kasi dko alam....when he left, hindi ako masyadong naiyak. not because hindi ko sya mahal, not because hindi sya mahalaga sa buhay ko....siguro hindi lang kasi na-establish ang role nya sa akin bilang tatay. hindi ko sya sinisisi. in fact, paulit-ulit kong iisipin at ipagpapasalamat ang kanyang sakripisyo. kung hindi man ako naiyak, hindi na importante. ang alam ko, mabuti syang ama....and again, SALAMAT PO!
Balik sa Present: i would like to remember ang Tatay kong si Ribo ngayong araw na ito, possibly not in a grandeous manner. isang pasasalamat at pag alala sa kanya. ngayon na mag isa na lang si mamoo, wala na si papoo. wala na ang haligi ng tahanan at si mamoo na ang umako. hindi man ganun karami ang maaalala kong moments with him, i should say mapalad kami to have him....i hope na i make him proud with what i become because of how they have brought me up, i hope i make him feel na hindi nasayang all what he have sacrificed and gave up for us...and i hope sa kanyang bagong mundo ngayon, ay baon nya yung mga bagay sa aming pamilya na he was inspired with.
we will continue to remember you...we will continue to appreciate you.
and i hope na kung anuman ang hindi namin masyadong napagsaluhan when you were with us, mapagsaluhan natin when we see each other again....bawi tayo!
again, SALAMAT PO....at hindi ko yata naalalang nabigkas ko ito sa iyo, kahit shy akong sabihin....MAHAL KITA TATAY KO!
Tuesday, May 13, 2008
Sunday, May 11, 2008
Saturday, May 10, 2008
Mamoo's Day
“Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan”
May 11, 2008…Mother’s Day
Araw daw ng mga nanay ngayon…
Hindi ko alam kailan pa ito sinimulang alalahanin at ipagdiwang bilang pagbibigay pugay sa mga ina ng tahanan….
Pero sa tingin ko, mahalaga ang araw na ito…at ang bawat araw ng buong taon sa pag alala at pagdakila sa ating Nanay…
Aaahhhhh!....I don’t want to sound melodramatic….corny yata? baduy?...ewan ko! Hindi naman kasi ako lumaking showy sa aking feelings, lalo na sa aking mga magulang.
Grade 4 ako, marunong na akong lumuwas ng Maynila from Laguna. Kailangan ko kasing dalhin ang mga kailangan ng nanay ko sa kanyang pagbabantay sa aming bunsong kapatid na buwan-buwan ay nasa hospital sa Manila. Sasakay ako ng bus sa Laguna, then sa jeep papuntang Laong Laan St sa Dapitan.
Sisitahin ako ng security guard ng hospital at tatanungin kung ilang taon na ako (bawal kasi ang bata sa hospital below 12 years old)…at dahil 10 years old pa lang ako, alam kong hindi ako papasukin. “Paano ang mga gamit na kailangan ng nanay ko?” Sasabihin ko ay “12 na po”….”Kailangan ka ipinanganak?”….”February 21 [sabay compute sa isip ng ‘1980 minus 12’]….1968 po!”…”Sige pasok na!....” sabi ng guard.
Ilan lang ito sa maraming pagkakataon na naging katuwang ako ng nanay ko….naging kanang kamay sa maraming bagay…siguro dahil nakita nya na ako ang kaniyang maasahan sa aming magkakapatid.
“Bomba!!!!”….ang madalas ko isinisigaw tuwing Sabado noong Grade 6 ako hanggang 4th year high school. Hudyat iyon na kailangan na ng isa sa mga kapatid ko na magbomba sa poso para sa pagbabanlaw ko ng damit naming na aking nilalabhan…kailangan kong tulungan ang nanay sa paglalaba ng aming mga damit dahil sya naman ay nagtatrabaho.
Alas singko ng madaling araw….oras na ng paggising….kailangan ko na bumangon dahil mamalengke para sa lulutuin ng nanay ko para sa kanyang paninda. Kailangan sya tulungan para maagang maluto ang mga pagkain na ibebenta sa iskwela.
“Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan”
Hindi naman laging masaya ang aming relasyon bilang mag ina. Natuto akong lumaban sa matanda, masampal sa pisngi dahil sa pagsagot nang pabalang. Natuto rin akong lumayas ng bahay ng isang araw pero bumalik rin…minsan may mga reklamo sa buhay pero hindi rin itinanim sa puso kasi no big deal. Minsan nakakainis kasi nakakarindi, maingay.
Lumipas na ang maraming taon…lumaki na ako, nagtapos ng pag aaral, nakapagtrabaho, nangibang bayan, nangibang bansa. Kung aking aaalahanin, natuto ako sa maraming bagay, kasama ang aking nanay.
At sa paglipas rin ng maraming taon, nakita ko ang maraming pagbabago sa kanya. May mga nakakainis pa rin, pero mas marami ang para sa mas maganda.
Ngayon sya ay 67 years old na, at habang tinititigan ko ang mga litrato nya, marami na ring nagbago. Mas payat sya, kumulubot at lumaylay ang balat, numipis ang buhok, naubos ang ngipin at pinalitan na ng pustiso, lumabo na ang mata, nagsasakitan na ang mga kasu-kasuan….at kung aking iiisipin, hindi siguro ito dahil sa kanyang pagtanda…pero siguro dahil na rin sa maraming sakripisyo na kanyang inialay para sa kanyang walong anak….walong anak na iba-iba ang personalidad, iba-iba ang tinahak na buhay.
Sa kabila rin nito, naroon ang ngiti sa kanyang mga mata, marahil na rin sa kanyang pagmamalaki sa kung paano nya napalaki kaming magkakapatid.
…alam ko na sa bawat gabi na ako’y nasa malayong lugar, ipinagdarasal nya ang aking kaligtasan…alam ko na sa bawat araw na hindi nya ako kasama, hinihinling nyang wag akong magkakasakit...
Alam ko mahina na ang nanay ko…kailan lang ay naoperahan sya sa gall stone…diabetic sya…pero tambay yan sa binguhan!...yaan ko na lang sya mag enjoy.
Actually, gusto lang naman nya matikman ang konting kaginhawahan na pwede kong ibigay sa kanya. Konting kasiyahan na pinagdamot nya sa kanyang sarili para ang kanyang walong anak ang makaranas ng ginhawa at lumaking maayos.
Ngayong araw ng mga nanay, walang espesyal na maihandog para kay “Mamoo” para sa “Mamoo’s day”…kundi ang pagpapaabot ng aking pagmamahal. Walang extraordinary sa aming kwento, pero alam ko na siya ang ibinigay na “Mamoo” sa akin ng Diyos para maging kung sino at ano man ako ngayon…
Sa abot ng aking makakaya, ihahandog ko sa nanay ko ang aking lakas para sya ay maging maligaya sa buhay… at maging proud sa aming mga anak nya. Ang espasyong ito ay hindi sapat sa laki ng respeto at pagmamahal na nararapat kay Mamoo….hindi man ako vocal sa laman ng aking puso at isip…pero….
“Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! Inay”