Sa aming grupo na tinawag na “Addiks”, isa siya sa mga kasama na namin noon pa mang 2002 sa isang contracting company na nag susupply ng manpower sa companies dito sa Saudi Arabia, ang Hadi Al Najrani Establishment (HNE), ngayon ay mas kilala na SISCO (di ko na alam ang buong pangalan). Hanggang sa isa-isa na kaming “sinulot” at maging direct-hired employees ng Tasnee.
Magkasama kami sa iisang department pero pag oras ng trabaho, trabaho lang kami (unless nakaharap sa computer namin at busy kami sa chatting ng grupo sa aming Outlook hehehe). Bihira ko makitang magalit, pero madalas naiinis sa mga makukulit na customer ng aming department. Ang akala ko, ako ang mabilis mag init ang ulo sa mga makukulit na ito, iyon pala ay siya rin. minsan ko na na-feel ang ma-guilty dahil feeling ko nahawa sya sa akin! Hehehee…
Simpleng tao lang si Matt.
Sa haba ng panahon na magkakasama kami, kilala na namin ang bawat isa sa grupo, through the years ay naging intact ang grupo kahit pa sabihin mong may mga nagpenetrate pero kalaunan ay na-evict din…hehehe. Tinanggal na sa Tribal Council! Kami na ang final members ng “Adikks”, at walang jury na kailangan humusga sa amin…walang ala-alliance. Iisa lang kasi ang alliance namin…
At sa araw na ito, isa sa mga kaibigan namin ang inaaalala ang araw ng kapanganakan.
Isang simpleng pagbati sa iyong kaarawan. At nagwi-wish na sana’y makamit mo ang mga hiling ng puso mo para sa iyong pamilya, sa mga mahal sa buhay at para sa iyong sarili. Sa kasabihang “nobody is perfect”, tandaan mo na sa mga pagkakamali natin makikita ang ating kahinaan para maging kalakasan at maging instrumento para maging mas mabuting nilalang (sounds familiar!).
Maligayang birthday muli sa iyo….
2 comments:
naiyak naman po si ako... blessed birthday po sa imo tanan ya ka-addik naming mathematics... GBU more! min ma'ay!
Thank's Sir for this post... Sa mga advise, sa pagiging supportive, and for being good friend...
Matt is flattered ~'o'~
Sa lahat ng Addiks... Maraming Salamat po...
Thanks po ulit...
Post a Comment